Mini City Hall ng Ikatlong Distrito, pinasinayaan!

Sa panahon ng pandemya, hassle na sa ating mga kasyudad ang pagpunta sa QC Hall kapag may anumang lalakarin dahil bukod sa pamasahe, mahirap pang sumakay sa ganitong panahon. Kaya naman good news para sa mga residente ng 3rd District, dahil inilapit na ng ating mahal na Mayor Joy Belmonte ang ilang mga malimit puntahan ng tao sa City Hall. 

Tama po, dahil pinasinayaan kaninang umaga ang Mini City Hall sa #25 Calderon St., Bgy Marilag, Project 4 QC! Dinaluhan ng ating masipag na Mayor ang ribbon-cutting kasama sina Majority Floor Leader Coun. Franz Pumaren, Coun. Kate Coseteng, Coun. Wency Lagumbay, Mr. Robert Pacheco, Mr. Chuckie Antonio, AO Thom De Castro, PB Dean Addatu.

Nais ng ating mahal na Mayor na ilapit sa tao ang mga serbisyong kinakailangan nila upang hindi na sila mahirapan pang bumiyahe, mamasahe, at pumila sa munisipyo.  Maraming maraming salamat po, Mayor Joy!

Barangay Aksyon mula kay Totie Ayes