Maaari nang mag-book sa QC Vax Easy Plus ng inyong nais na oras at venue para sa pagbabakuna.

Dahil sa limitadong supply ng bakuna, sa Huwebes (September 23) nakalaan ang bubuksang 37,000 slots para sa QCitizens na hindi pa nababakunahan ng kanilang first dose laban sa COVID-19.

Ang slots ay batay pa rin sa supply ng bakuna ng lungsod. Magbubukas pang muli kapag may karagdagang supply na dumating mula sa national government.

Bisitahin ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at sundan ang gabay na ito: