Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng karagdagang 107,272 doses ng bakuna.

Muling magpapatuloy ang ating #QCProtekTODO Vaccination Program para magbakuna ng first dose mula July 19 hanggang July 27 sa pamamagitan ng city government-assisted booking na QC Vax Easy, Bakuna Nights, homeowners association vaccination, at partnership sa mga pribadong kumpanya at national government agencies sa lungsod.

Hinihikayat ang QCitizens na magrehistro sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system. Bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa ating website: https://qcprotektodo.ph

Maraming salamat po!