MAHALAGANG ANUNSYO

Nakakaranas na ng matinding website traffic ang eZConsult sa dami ng sabay-sabay na gustong mag-book ngayong umaga. Libu-libo na po ang nakapag-book kanina, at libu-libong slots pa po ang available mula June 16-20 kaya huwag pong mag-alala ang iba kung sakaling hindi kayo makapag-book sa ngayon.

Maaaring balikan ang eZConsult website sa mga susunod na oras.

Hinihikayat rin natin ang ating QCitizens na bahagi ng A1-A4 priority groups na magpalista sa barangay para sa barangay-assisted booking.

Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa. Maraming salamat po.

Basahin ang pahayag ng eZConsult tungkol dito: https://www.facebook.com/606916036634767/posts/809820093011026/?d=n